“It’s
more fun in the Philippines!” Ika nga ng marami sa atin. Masasabi nga nating
iba ang kasiyahang madarama tuwing makakapunta sa mga lugar at tanawin dito sa
Pilipinas. Bukod rito, marami na talagang mga turista ang dumadayo dito sa
ating bansa para lang makapunta sa mga magagandang lugar sa ating bansa. Dahil
dito, mas nakikilala na ang ating bansa.
Isa na dito
ang Palawan. Ang Palawan ay hindi naman kasikatan dati. Ang lungsod na ito ay
kilala lang dati dahil sa mga isyung gaya ng tapunan ng may sakit na ketong at
mga taong may Malaria. Ngunit, sa di-inaasahang pangyayari, biglang sumikat ang
Palawan dahil sa natatagong Underground River nito,ang PPUR o ang Puerto
Prinsesa Underground River kung saan 45 minutes kang nakasakay sa isang bangka at
mamamangha sa lahat ng makikita doon dahil lahat ng nasa loob ng Underground
River ay natural made o nilikha mismo ng Diyos.
Kabilang
narin sa mga pwedeng puntahan ay ang mga isla tulad ng Cowrie Island, Luli
Island, Pambato Island, mga libangan tulad ng pagswi-swimming, snorkeling,
fish-feeding, mga magagandang tanawin at gawain tulad ng Baker’s Hill, Sabang X
Zipline, Rancho, Crocodile Farm, Firefly Watching, Binuatan Creations, at
napakarami pang iba. Masasabi kong napakaganda talaga sa lugar na ito dahil ako
mismo, nakapunta at nasaksihan ang lahat ng mga magagandang tanawin at mga
libangan sa Palawan. Sabi nga ng mga tour guide doon, may babaunin kang
syndrome pagka-alis mo sa Palawan, yan ang Balik-Balik Syndrome. Kaya’t ano
pang hinihintay mo, puntahan na ito!