Palawan




“It’s more fun in the Philippines!” Ika nga ng marami sa atin. Masasabi nga nating iba ang kasiyahang madarama tuwing makakapunta sa mga lugar at tanawin dito sa Pilipinas. Bukod rito, marami na talagang mga turista ang dumadayo dito sa ating bansa para lang makapunta sa mga magagandang lugar sa ating bansa. Dahil dito, mas nakikilala na ang ating bansa.
Isa na dito ang Palawan. Ang Palawan ay hindi naman kasikatan dati. Ang lungsod na ito ay kilala lang dati dahil sa mga isyung gaya ng tapunan ng may sakit na ketong at mga taong may Malaria. Ngunit, sa di-inaasahang pangyayari, biglang sumikat ang Palawan dahil sa natatagong Underground River nito,ang PPUR o ang Puerto Prinsesa Underground River kung saan 45 minutes kang nakasakay sa isang bangka at mamamangha sa lahat ng makikita doon dahil lahat ng nasa loob ng Underground River ay natural made o nilikha mismo ng Diyos.
Kabilang narin sa mga pwedeng puntahan ay ang mga isla tulad ng Cowrie Island, Luli Island, Pambato Island, mga libangan tulad ng pagswi-swimming, snorkeling, fish-feeding, mga magagandang tanawin at gawain tulad ng Baker’s Hill, Sabang X Zipline, Rancho, Crocodile Farm, Firefly Watching, Binuatan Creations, at napakarami pang iba. Masasabi kong napakaganda talaga sa lugar na ito dahil ako mismo, nakapunta at nasaksihan ang lahat ng mga magagandang tanawin at mga libangan sa Palawan. Sabi nga ng mga tour guide doon, may babaunin kang syndrome pagka-alis mo sa Palawan, yan ang Balik-Balik Syndrome. Kaya’t ano pang hinihintay mo, puntahan na ito!